Philippine Team for Women's Volleyball bowing out of the 18th Asian Games finishing 8th in GOR Bulungan Sports Complex.
Philippine Team for Women's Volleyball bowing out of the 18th Asian Games finishing 8th in GOR Bulungan Sports Complex.

JAKARTA – MULING sinalanta ng Indonesia ang Team Philippines, 25-17, 23-25, 25-19, 25-20, nitong Sabado para tumapos sa ikawalong puwesto sa women’s volleyball competition ng 18th Asian Games sa GOR Bulungan.

Hataw si Aprilia Santini Manganang sa Indonesia sa naiskor na 19 puntos para masikwat ang ikapitong puwesto sa torneo at maitala ang ikalawang sunod na panalo sa Pinay volleybelles. Nanaig din ang host team sa kanilang unang paghaharap sa elimination round.

Nanguna si Mylene Paat sa Team Philippines sa naiskor na 10 puntos, haban tumipa si Alyssa Valdez hng siyam na puntos.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ito ang unang pagsabak ng Philippines’ women’s volleyball team sa Asian Games mula noong 1982. Sa resulta ng kampanya, mistulang nasa tamang paninindigan ang kritiko ng koponan.

‘They played for experience they claimed, I hope they gained enough experience for this,” sambit ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, isa sa mga tumutol sa women’s volleyball sa Asiad bunsod na ring ng kabiguan nito na mag-qualified sa criteria para sa National delegation.

‘Actually, hindi sa ayaw naming silang isama, gusto naming kung lalaban sila dapat preparado. Wala pa uyatang isang buwan nang mabuo ang team, what do we expected? Aniya.

Tulad ng volleyball, hindi rin kumikig ang men’s basketball, sa kabila ng presnsiya ni Jordan Clarkson. Ngunit, nalagpasn ng Nationals ang ikapitong puwesto pagtatapos sa nakalipas na Asiad nang magwagi sa Syria para sa ikalimang puwesto.