Ni BELLA GAMOTEA

Muli na namang nagpatupad ng big-time na pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa, kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng Petron,epektibo dakong 6:00 ng gabi ng Setyembre 1 ay nagdagdag ito ng P1.95 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, o katumbas ng P21.45 dagdag sa bawat 11-kilogram na tangke into.

Bukod pa rito ang P1.10 price hike sa Xtend Auto LPG ng Petron.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Asahan na ang pagsunod ng Solane Total at iba pang independent players sa kaparehong taas-presyo sa LPG, na bunsod ng paggalaw ng contract price at demand ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.