MEDYO nagulo ang AlDub Nation, o ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang sa isang interview sa binata para sa kanyang 2nd major concert, ang Adrenaline Rush, ay may nagtanong kung hindi ba niya naiisip na umalis sa Eat Bulaga, dahil nga napaka-hectic na ng schedule niya ngayon, at overworked na siya.

alden

“Nagkataon po lang na talagang tuluy-tuloy ang taping ko ng Victor Magtanggol at sabay din ang promotion namin nito through GMA Regional TV shows, dahil may mga request din kaming natatanggap kung puwedeng mag-show naman kami sa lugar nila,” paliwanag ni Alden.

“May mga times nga lang talagang hindi ako nakakasipot sa Eat Bulaga at sa Sunday PinaSaya, pero may paalam naman po ako roon. Naiintindihan nila ako at pinapayagan naman nila. Basta puwede at kaya ko, dumarating naman po ako.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“At nasabay nga rin po itong paghahanda sa concert ko, pero sa tamang scheduling din naman, naayos ko, dahil bawat puntahan ko namang commitment may go signal po ako roon.”

Pero may ilang fans pa rin ang hindi yata kuntento sa sagot ni Alden, kaya may nagtanong pa sa Twitter kung totoo bang aalis na siya sa Eat Bulaga.

Sagot ni Alden: “Hindi po.”

Ang Adrenaline Rush concert ni Alden ay gaganapin sa Kia Theatre sa Araneta Center, Quezon City on September 21, 8:00 PM. Guests ng Pambansang Bae sina Ms. Regine Velasquez-Alcasid, Rodjun Cruz, Ex-Battalion, One Up, Betong Sumaya, at Ms. Ai Ai delas Alas. Produced by GMA Records, direktor si GB Sampedro, habang musical director si Marc Lopez. Sponsors naman ang McDonald’s Philippines at Magnolia Ice Cream Philippines.

Don’t miss Alden’s second major concert dahil puno raw ito ng pasabog na sorpresa niya sa mga manonood. May sorpresa rin daw naman ang show kay Alden, ano kaya iyon?

-NORA V. CALDERON