MAY nakatsikahan kaming taga-It’s Showtime at nabanggit sa amin in passing na plano nilang kausapin si Direk Laurenti Dyogi para makabalik ang dating Hashtags dancers na sina Jon Lucas at Bugoy Carino sa noontime show ng Dos. Sana raw ay mabigyan ulit ng chance ang dalawa.

Jon lucas at Bugoy

Si Jon ay umaming may asawa’t anak na at ikinasal na noong 2017. Aminado rin siya ito ang dahilan kaya siya nawala sa Showtime, na noong una ay idinahilan niyang gusto niya munang magpahinga dahil kamamatay lang noon ng mama niya.

Samantalang, si Bugoy naman ay walang pag-amin hanggang ngayon kung totoo ang balitang may anak na siya, bagamat pareho raw sila ng kapalaran ni Jon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kabilang banda, may mga naghahanap pa rin kina Jon at Bugoy sa programa at nagtatanong kung kailan sila babalik. Sana raw ay mapanood silang muli sa Showtime, kasama ang iba pang mga miyembro ng Hashtags.

Natanong namin na bakit si Nikko Tuason ay hindi nawala gayung may anak na rin.

“Nang pumasok naman si Nikko sa Hashtag may anak na, at tinanggap ng tao kaya walang naging problema. Unlike ‘yung dalawa single noong pumasok,” katwiran sa amin ng taga-Showtime.

Tama rin naman ang paliwanag sa amin, pero sana nga mapagbigyan muli sina Jon at Bugoy na makabalik sa Showtime. Lalo na ngayon na may pananagutan na sila sa buhay, at kapwa wala silang regular shows.

-Reggee Bonoan