Hinamon ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV na sumailalim sa psycho test bago hilingin na magpa-IQ (intelligence quotient) examination si President Duterte.
“Well, let’s start with the psych test then we can go to an IQ test,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo.
Ipinagdiinan ni Roque na ang hamon na IQ test ni Trillanes kay Duterte ay “premature.”
“Perhaps he should begin with the test on sanity before we even talk about IQ. No further comments,” dagdag niya.
Hinamon ni Trillanes kamakailan ang Pangulo makaraang maliitin ni Duterte ang kanyang kakayahan. Handa umano siyang magbitiw bilang senador kapag mas mataas ang nakuhang grado ng Pangulo.
-Genalyn D. Kabiling