PARIS (AFP) – Isang mataas na jihadist leader ng grupong Islamic State in the Greater Sahara (ISGS), kanyang katiwala, at dalawang sibilyan ang nasawi sa French airstrike sa hilagang silangan ng Mali, sinabi ng French command centre sa Paris nitong Lunes.

‘’Commandos deployed on the ground (after the airstrike) confirmed the death of Mohamed Ag Almouner and one of his bodyguards. They also found the bodies of a woman and a teenager,’’ saad sa pahayag ng army.

Isang pang miyembro ng ISGS ang nasugatan, kasama ang dalawa pang sibilyan.

Ang jihadist leader na napatay sa isolated camp sa Menaka region ay ‘’a lieutenant to the ISGS chief’’, sinabi ni army spokesman colonel Patrik Steiger sa AFP.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inaalam pa ng mga awtoridad kung paano nadamay ang mga sibilyan sa pag-atake.