Nagbanta kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na bobombahin na ng pamahalaan ang mga rebelde kapag lumikha muli silang lumikha ng malaking digmaan sa Mindanao.

Malaki, aniya, ang arsenal o imbakan ng mga armas ng gobyerno at hindi ito mangingiming pulbusin ang mga rebelde kapag sinaktan nila ang mga inosente.

“Dito sa south, I’m warning you rebels, marami akong armas.

You do some fighting there, I will freely use all the jets to bomb you. And if I hurt civilians, then it’s part of the territory,” ito ang pagbabanta ng pangulo nang dumalo ito sa pagpupulong ng Visayas mayors sa Cebu.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binalaan din niya ang mga rebelde na huwag na nilang lusubin ang mga kampo ng pulisya at militar upang hindi sila makatikim ng kanyang galit.

“Huwag kayong masyadong mag-atake-atake ng kampo, magpatay because if you start a large-scale war, I will not hesitate to bomb you. Huwag na natin itong patagalin. Tatapusin natin kung gusto ninyo sa panahon ko,” paghahamon ng Punong Ehekutibo.

Ikinuwento rin ng Pangulo na nakabili na siya ng mga karagdagang armas at equipment ng militar, mula sa kaalyadong Russia at China bunsod na rin ng security threat ng ISIS.

Isinalaysay din nito na dati nang ipinaalam sa kanya ng mga kaanak nito ang namumuong kaguluhan sa Marawi City nitong nakaraang taon at inihalimbawa ang pagre-recruit ng ISIS ng mga residente sa lugar.

“Meron din mga foreigners ‘yung mga dala-dala the ISIS ideology of kill and destroy. It’s a totally bankrupt and idiotic movement that has nothing except to kill and to destroy, and to kill all the infidels which means to say that if you are not a Muslim, you are an infidel,” aniya.

-Genalyn D. Kabiling