GAPAN CITY - Nasa P200 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang nasamsam sa isang pabrika habang arestado ang 17 Chinese sa Nueva Ecija, kahapon.

Nagsanib puwersa ang Bureau of Custom (BoC) at Gapan City at naaresto ang mga suspek sa Valmonte Street, Barangay Pambuan, Gapan City.

Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang pekeng sigarilyo, anim na cigarette machine, at pekeng BIR tax stamps na nasa tatlong kahon.

Nag-ugat ang pagsalakay sa utos ni Custom Commissioner Isidro Lapeña, na inspeksiyunin ang isang warehouse na sinasabing bodega ng mga pekeng sigarilyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon naman kay City Mayor Emerson "Emeng" Pascual, walang permit ang naturang warehouse at may ideya umano kung sino ang may-ari ng lupain ngunit hindi muna isinapubliko.

Hawak na ng Gapan City Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code).

-LIGHT A. NOLASCO