HINDI lang ang pelikulang The Hows Of Us ng Star Cinema, na showing sa August 29, ang aabangan kay Daniel Padilla. Kumpirmadong may concert ang aktor sa Smart Araneta Coliseum sa October 13.

Daniel

Sa All Star Games sa Smart Araneta nitong Linggo inihayag ang tungkol sa concert ni Daniel.

Catchy ang ginawang announcement sa concert ni Daniel: “DJP Concert October 13, 2018. Save the date & save money, guys!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunman, wala pang detalye sa concert ni Daniel, gaya ng title, director, musical director, at kung sino ang magiging guests niya, pati na rin ang presyo ng concert tickets.

Anyway, may more than one month pa naman bago ang concert, at makakapag-save pa ang fans ng pambili ng tickets.

Ito na ang ikaapat na concert ni Daniel, na sa Smart Araneta Coliseum din nag-concert noong 2014.

-Nitz Miralles