PARA na ring kinumpirma ni Sharon Cuneta ang pagbabalikan ng anak na si KC Concepcion at ng French guy na si Pierre-Emmanuel Plassart nang sagutin niya ang sagot ng ilang commenters tungkol sa karelasyon ngayon ng kanyang panganay.

SHARON

“Thank you so much! I am so happy for them both. Sila pa rin after all this time. God is good talaga,” sagot ni Sharon sa nag-comment na she wishes KC and Pierre the best and lots of love.

May pahabol pa si Sharon: “I hope everyone can just pray for KC’s happiness and peace, and mind their own lives para pati sila sumaya naman. ‘Di naman tayo pinanganak para buhay ng iba ang gawin nating buhay natin.”Hindi maiwasang may mga nega pa rin at may nag-comment ng hindi maganda kay KC, at si Sharon ang nakabasa dahil sa page ni Sharon sa Instagram nag-comment. Sinupalpal at pinalayas siya ni Sharon at ‘yun, nanahimik ang basher.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi kasi ng basher: “Nasaan na po ‘yung bingot na bf nya?”, na ang tinukoy ay si Aly Borromeo.

Nagalit si Sharon at sumagot: “YOU ARE RUDE. YOU DON’T belong here. Pls leave my page. How dare you talk about a man na disente at matino din naman. At di mo kilala. Lalong di ka namin kilala.”

Hindi lang si Sharon ang nagalit sa basher, pati ang followers ni Sharon, kaya kinuyog ang basher. Kahit si KC, hindi magugustuhan ang comment na ‘yun ‘pag kanyang nabasa, dahil nanatili silang magkaibigan ni Aly. Wish pa nga ng dalaga na maging masaya ang ex-boyfriend.

Nakakatuwa lang na may mga nag-akalang si Piolo Pascual ang tinukoy na “P” na new love o nakabalikan ni KC. Ibig sabihin, marami pa ring fans ang dalawa at umaasa silang magkakabalikan pa rin ang dalawa.

Anyway, nasa Los Angeles pa rin si KC hanggang ngayon. Ang ganda siguro kung sa pagbabalik niya ng Pilipinas ay kasama niya si Pierre-Emmanuel Plassart, na kung tawagin ay PEP.

-Nitz Miralles