WASHINGTON (AFP) – Kinondena ni William McRaven, ang commander ng US Navy SEAL raid na umutas kay Osama bin Laden, si President Donald Trump nitong Huwebes sa pagkansela sa security clearance ni dating CIA chief John Brennan at hiniling na bawiin na rin ang sa kanya.

Dinepensahan ng decorated retired Navy admiral, sa bukas na liham na inilathala sa The Washington Post, si Brennan na ‘’one of the finest public servants I have ever known’’ at inakusahan si Trump ng paggamit sa ‘’McCarthy-era tactics.’’

‘’Few Americans have done more to protect this country than John,’’ ani McRaven. ‘’He is a man of unparalleled integrity, whose honesty and character have never been in question, except by those who don’t know him.’’

‘’Therefore, I would consider it an honor if you would revoke my security clearance as well, so I can add my name to the list of men and women who have spoken up against your presidency,’’ aniya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Si McRaven ang pinuno ng US Joint Special Operations Command mula 2011 hanggang 2014 at pinamahalaan ang SEAL raid na pumatay kay bin Laden sa Pakistan noong 2011.