Napasakamay na ng awtoridad ang isang senior citizen na wanted sa Zamboanga City, matapos mamataan sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Sa report ni SPO3 Remy Berenguel, head ng Warrant and Subpoena Section (WSS), kay Police Senior Supt. David Nicholas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang suspek na si Juanita Ocampo, 63, ng No. 22 Cadena De Amor, Bahayang Pagasa, Barangay Canumay ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO3 Berenguel, nakipag-ugnayan sa kanila ang mga pulis sa Sibuyan, Zamboanga City hinggil sa kasong estafa/swindling ni Ocampo, na nagtatago umano sa Valenzuela City.

Makalipas ang ilang araw na surveillance ng mga tauhan ng WSS, nakakuha sila ng impormasyon na nasa Bahayang Pagasa ang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bitbit ang warrant of arrest, inaresto ng awtoridad si Ocampo bandang 10:30 ng umaga.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Valenzuela City Jail.

-Orly L. Barcala