Kalaboso ang isang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na sinasabing nambiktima ng isang negosyante sa San Juan City, kamakalawa.

Inaresto ng mga tauhan ng San Juan City police si Stephen Stoc, 27, ng Barangay Little Baguio, San Juan City matapos umanong pasukin ang bahay ng biktima sa Bgy. Addition Hills, San Juan City.

Kinilala ang biktima na si Charles Joseph Gil, 47-anyos.

Base sa report, pinasok ni Stoc ang bahay ni Gil, bandang 7:00 ng umaga nitong Lunes. Naghanap ang suspek ng mahahalagang gamit sa bahay at ninakaw ang cell phone ng biktima.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nagising umano si Gil at pumunta sa kusina upang alamin ang kanyang agahan nang makita niya si Stoc.

Humingi ng saklolo ang biktima habang kumaripas ang suspek.

Nagkataong nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-2 San Juan City police at nakita ang tumatakas na suspek at nakorner sa Zamora St., Bgy. Addition Hills, San Juan City.

Narekober ng awtoridad ang cell phone ng biktima at isang 9.5 pulgadang kutsilyo mula sa suspek.

-Hanah Tabios