Nakikiusap si Department of Energy (DoE) Secretary Alfonso Cusi sa House Committee on Appropriations na pagtibayin ang panukalang P2.04 bilyon budget nito sa 2019, mas mababa ng P621.68 milyon o 23 porsiyentong mababa kaysa P2.65B budget noong 2018.

Sinabi ni committee chairman, Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) na nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng elektrisidad ang mga sityo at baryo sa Mindanao bago matapos ang 2022.

Kabilang sa attached agencies ng DoE ang National Electrification Administration, National Power Corporation, Philippine National Oil Company, Energy Regulatory Commission, Power Sector Assets and Liabilities Management, at National Transmission Corporation.

Umaasa si Cusi na bibigyan ng sapat na alokasyon ng komite ang kanyang departamento. - Bert De Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador