Ipinagmamalaki ng Kamara sa ilalim ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na sa loob ng siyam na session days sapul nang magbukas ang 3rd regular session ng 17th Congress noong Hulyo 23, 2013 hanggang Agosto 8, 2018, natalakay at napagtibay nila 195 panukala, kabilang ang dalawang priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte, na naging ganap na batas.

Sa ulat ng Committee on Rules, naipasa ng Mababang Kapulungan ang priority laws na RA 11055 o Act Establishing the Filipino Identification System, at RA 11054 o Act Providing for the Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Natalakay din ang 22 panukala sa bawat sesyon, napagsama ang 116 na panukala at naaprubahan ang 79 bills at resolutions, niratipikahan ang dalawang bicameral reports, naipadala sa Bicameral Conference ang dalawang pambansang panukala – ang prangkisa ng Innove Communications Inc., at kampanya laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Inaprubahan din ang 28 bills at 38 bills sa second reading, kabilang ang rice tariffication bill upang mapigilan ang inflation.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bert De Guzman