Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

5:00 n.h. -- CEU vs Chelu Bar and Grill

PAG-AAGAWAN ng Centro Escolar University at Che’Lu Bar and Grill ang huling finals berth para sa 2018 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakapuwersa ng do-or-die Game Three ang Scorpions nang ungusan nila ang Revellers, 83-78, sa Game Two nitong Huwebes.

Para kay CEU acting coach Derrick Pumaren, ang ipinakitang mentalidad at laro ng kanyang mga players ang kailangsn nila upang magulantang ang top-seed Revellers sa muli nilang pagtutuos ganap na 5:00 ngayong hapon.

“We manned up and that’s what we’re telling them. The playoff is a man’s game and that’s what we need to do: stand our ground and take what they can give. We have to fight,” ani Pumaren.

Ngunit, kahit natalo noong nakaraang laro, taglay pa rin ng Che’Lu Bar and Grill’s ang bentahe ng pagkakaroon ng karanaan bilang isang grupo.

Umaasa si coach Stevenson Tiu na magiging handa ang kanyang koponan sa haharaping mas matinding hamon at huwag iasa ang lahat sa beteranong guard na si Jeff Viernes.

“This is not Jeff Viernes’ team alone. This is Che’Lu and lahat dapat mag-contribute,” wika ni Tiu, umaasang magpapasiklab din ang iba pa nilang key players gaya nina Chris Bitoon, Levi Hernandez, at Jessie Collado.

Naghihintay na lamang kalaban ang naunang finalist ‘Go for Gold’ na winalis ang semifinals series laban sa Marinerong Pilipino.

-Marivic Awitan