TAWANAN ang lahat sa mediacon ng Unli Life movie ni Vhong Navarro sa sinabi ni Joey Marquez na kung siya ang masusunod ay ayaw niyang mawala sa poder niya ang mga anak niya, tulad ni Winwyn Marquez, na alam naman ng lahat na matagal nang girlfriend ni Mark Herras.

Joey lang po copy

Very vocal kasi si Mark na si Winwyn na ang babaeng gusto niyang makasama sa buhay, habang bagamat aminado rin ang 2017 Reina Hispanoamericana winner na gusto na rin niyang mapangasawa si Mark ay prioridad niya muna ngayon ang career niya.

Sa panayam noon kay Joey sa Tonight with Boy Abunda ay nabanggit niya na naririnig na niyang magkarelasyon ang dalawa, pero hindi pa niya nakikilala si Mark, kaya maniniwala lang daw siyang totoo ang balita kapag mismong ang anak na si Winwyn na ang magpakilala sa kanya kay Mark.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kaya naman sa Unli Life mediacon ay natanong si Joey kung nagkakilala at kumusta naman ang relasyon nila ni Mark.

“Very civil kami. Wala naman akong ano sa kanya, eh! Wala akong against sa kanya. Ang iniisip ko lang, kailangan, para makapasok ka sa isang seryosong relasyon, secure kayo pareho. Kasi, hindi puwedeng puro pag-ibig lang. I y a n g p a g - i b i g , natutunaw ‘yan ‘pag wala nang pagkain sa lamesa, eh. Ibang usapan na ‘pag walang pagkain, walang pambayad ng electricity.”

May punto naman si Joey, at madalas din naman niyang sabihin ito sa mga panayam niya bilang payo sa lahat ng kabataan ngayon, na dapat may ipon bago pumasok sa relasyon.

Samantala, hiningan ng reaksiyon si Joey sa tsikang may sex video si Mark.

“Ano yun? Meron ba? Okey lang ‘yun, kasi part iyon ng being young, eh. Okey lang ‘yun. Lalaki ako, eh,” kaswal na sabi ni Joey.

Noong panahon ba niya ay uso na ang sex video.

“Ako, gusto ko ngang gumawa, eh. Meron kayang may gusto? Meron kayang manonood?” birong sabi ng aktor.

“Meron ba? Sana pala, nagpakuha ako, ‘no?! Ha, ha, ha, ha! Hindi! Baka maraming magalit sa aking lalaki! Baka i-compare, eh,” tumatawang sabi ulit niya.

Anyway, pinasalamatan ni Joey si Vhong dahil sobrang papuri ang sinabi sa kanya sa presscon, bagay na ikinataba ng puso niya na iniidolo pala siya ng TV host/actor.

Mapapanood na ang Unli Life simula sa Agosto 15, bilang entry ng Regal Entertainment, Inc. para 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino, sa direksiyon ni Miko Livelo.

-REGGEE BONOAN