Sinimulan na ng ilang resort sa isla ng Boracay ang pagtanggap ng mga trabahador, bilang paghahanda sa inaasahang pagbubukas nito sa Oktubre 6.

Kumpiyansa si Provincial Employment Service Office (PESO) chief Vivian Solano na muling makakapagtrabaho ang libu-libong manggagawa bago matapos ang taon.

Magkakaroon din, aniya, ng job fair ang PESO sa kapitolyo sa Kalibo, Aklan kung saan inaasahang daan-daang empleyado ang kukunin para sa isang resort pa lang ng isla, sa Agosto 7.

Inaasahan na rin na tuluy-tuloy na ang recruitment activity para sa mga resorts sa isla, sa mga susunod na linggo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inoobliga na rin ang bawat resort na magkaroon muna ng mayor’s permit bago payagang makapagsagawa isang job fair.

-Jun N. Aguirre