AFP— Mahigit 1,000 uri ng hayop ang nahaharap sa seryosong banta sa kanilang buhay sakaling maitayo ang panukala ni US President Donald Trump na border wall sa Mexico, babala ng scientists nitong Martes.
Nanganganib na paghihiwa-hiwalayin ng pader ang iconic creatures gaya ng Peninsular Bighorn sheep, Mexican gray wolf at Sonoran pronghorn antelope, na pawang endangered na, saad sa liham na inilathala sa BioScience journal.
Kabilang ang jaguars (panthera onca) at ocelots (leopardus pardalis) sa species na magkakaroon ng “residual US populations” na sumasakop sa 7,800 square miles (20,000 square kilometers), na nanganganib na tuluyang mamatay sa United States.
Mahigit 2,700 global scientists ang lumagda sa liham ng lead author na si Robert Peters ng Defenders of Wildlife, isang conservation group.
Idinedetaye ng mga banta ang biodiversity sa 3,200-kilometrong US-Mexico border, na nais itayo ni Trump sa pagsisikap na mapigilan ang pagtawid ng illegal migrants.
“Cut off like this, the bighorn and other animals and plants will become zombie species — populations that are demographically and genetically doomed,” sinabi ng co-author at Stanford University biologist na si Rodolfo Dirzo.
Matatagpuan sa border region ang mahigit uri ng 1,000 hayop at mahigit 400 halaman.