VICTORIA, Tarlac – Sinasamantala ng mga kawatan ang panahon ng tag-ulan gaya ng pagtangay sa isang motorsiklo sa Barangay San Nicolas, Victoria, Tarlac, kamakalawa ng tanghali.

Sa imbestigasyon ni PO1 Dennis Millo, tinangay ang motorsiklo (CD- 46542) ni Gloria Marie Domingo, nasa hustong gulang, ng nasabing barangay.

Ayon sa biktima, ipinarada niya ang motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay, bandang 5:00 ng hapon.

Pagsapit ng 5:00 ng madaling araw, binalikan ni Domingo ang kanyang motorsiklo ngunit wala na ito at pinaniniwalaang tinangay ng mga kawatan na kumikilos sa ilang lugar ng Victoria, Tarlac.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Leandro Alborote