TINAWANAN na lang ni Dennis Trillo ang nabalitang buntis daw ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado, at siya ang ama.

Dennis copy

Hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang balitang iyon, pero hindi na raw siya nag-react dahil hindi naman totoo. Kita naman kasi sa The Cure ang mga action scenes na ginagawa ng girlfriend niya.

Busy kasi ngayon si Dennis, dahil after niyang gawin ang romantic-comedy series na The One That Got Away sa GMA 7, ay may sinimulan siya kaagad na movie, ang On The Job 2 na idinidirek ni Erik Matti. Kasama niya sa movie si Christopher de Leon.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sinimulan na ring i-shoot ni Dennis ang indie film na pagsasamahan nila ni Jerald Napoles, ang Minaanud, at sa Samar ang kanilang location. Kaya naman nang i-post ito ni Dennis sa kanyang Instagram ay nag-comment si Tom Rodriguez: “Brader hanap kayo ng latik at iraid (suman camote) hehehe.”

Pero kung may isa pang pinaghahandaan si Dennis ngayon, ito ay ang pagsisimula ng taping nila ni Dingdong Dantes ng Cain at Abel. Bale ito ang bago nilang teleserye sa GMA Network.

Hindi pa lang namin alam kung ito ba iyong project na gustong gawin noong nabubuhay pa si Direk Maryo J. delos Reyes, para sa talents niyang sina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix, na siya sana ang magdidirek.

Wala pa ring detalye kung sinu-sino ang makakasama nina Dingdong at Dennis sa Cain at Abel.

-Nora V. Calderon