MAGTATAGISAN ng talino sa ibabaw ng 64 square board ang mga chess wizards sa pagtulak ng pinakahihintay na First AB Montessori 2050 and below Non Master and Kiddies Chess Tournament sa Hulyo 22 sa St. Bernard Subdivision, Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac.

Kabilang sa mga masisilayan sa event na magsisilbing punong abala ang AB Montessori School For Excellence sa pakikipagtulungan nina Barangay Kagawad Alvin Abril at Tournament Director Alfred Miranda ay sina Waren Sosa, Redinand Aquino, Jacob Santa Ana, Paolo Cortez, Garry Bamba, Rene Aquino, Aldrin Miranda, Kent Macamos, Erich Ross Micua , Jayson Taylan, AJ Miranda, River Quinto, Cristian Costuna at Maricar Sabado.

Ayon kina Barangay Kagawad Alvin Abril at Tournament Director Alfred Miranda nakalaan sa top prize ang P4,000 sa magkakampeon sa Non Master 2050 and below category habang P2,000 naman ang maiuuwi ng mananalo sa Kiddies under 12 category.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!