SA pagkakataong ito, titingalain na ang Pilipinas basketball team.

Bukod sa 7-foot-1 na si Kai Sotto ng Ateneo de Manila High School, kasama rin sa Batang Gilas na isasabak sa 2018 FIBA Under-18 Asian Championship ang 6-foot-8 na Filipino-Nigerian na si AJ Edu.

Nakatakdang dumating sa bansa si Edu, naunang napaulat na lalaro sa University of Toledo sa US NCAA, upang sumalang sa ensayo ng Batang Gilas bilangpaghahanda sa Asian tilt.

Makakasama nina Edu at Sotto, nanguna sa Team Philippines para sa 13th place finish sa 2017 FIBA Under-16 Cup, sina Rhayyan Amsali (San Beda High School), Yukien Andrada (San Beda), Geo Chiu (Ateneo), Raven Cortez (De La Salle Zobel), Bismarck Lina (University of Sto. Tomas), at Carl Tamayo (Nazareth School of National University).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Binubuo naman ang backcourt ng 20-man pool nina Gerry Abadiano (NU), RC Calimag (La Salle Greenhills), Terrence Fortea (NU), at Forthsky Padrigao (Ateneo), kasama rin ang 6-foot-1 Italy-based na si Dalph Panopio.

Miyembro rin ng Batang Gilas sina Nathan Chan (Xavier School), Dave Ildefonso (NU), Joshua Lazaro (San Beda), Ramon Marzan (UST), Migs Oczon (NU), Joshua Ramirez (Chiang Kai Shek College), at Xyrus Torres (Far Eastern University-Diliman).

Kabilang ang Batang Gilas sa Group B na kinabibilangan ng China, Lebanon, at United Arab Emirates. Nakatakda ang torneo sa Agosto 5-11 sa Thailand.

-Marivic Awitan