Balik trabaho sa Senado si boxing legend Senator Manuel Pacquiao matapos maagaw ang WBA Welterweight crown laban kay Lucas Matthysse sa Malaysia.

Sinabi ni Pacquiao marami pa silang gagawin sa Mataas na Kapulungan kaya’t kailangan niyang makabalik agad sa kanyang opisina. Kabilang na rito ang pagbalangkas sa 2019 annual budget at committee hearings.

Aniya kailangan niya ring puspusang magtrabaho dahil nais niyang magkaroon ng isa pang laban bago matapos ang taon.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI