Patay ang isang tambay makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, habang nakatambay sa bahay ng kanyang kapitbahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Eric Piano, 21, ng Gozon Compound, Barangay Tonsuya, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber sa ulo at katawan.

Nabatid na naglakad lang daw ang suspek na para bang walang nangyari makaraang matiyak na patay na ang target.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 4:00 ng umaga at nakatambay si Piano sa bahay ng kaibigang kapitbahay nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniimbestigahan pa ang motibo at suspek sa pamamaslang kay Piano.

-Orly L. Barcala