MAGBABALIK sa bansa ang Grammy Award-winner na si Sam Smith para sa kanyang The Thrill Of It All tour, sa Oktubre 5, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sam Smith

Ngayong 2018, sisimulan ni Sam ang kanyang UK, European, at Asia Arena tour, kasama ang Pilipinas.

Tatlong taon na ang nakalilipas nang ilabas ni Sam ang kanyang debut album na In The Lone Hour. Simula noon, nagtuluy-tuloy na ang pagsikat ng singer, na may mahigit 12 milyong global album sale at nabigyan ng iba’t ibang prestihiyosong award kabilang ang Academy Award, Golden Globe, Billboard Awards bilang Best Song, Top Male Artist, Top New Artist, at Top Radio Songs Artist.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tumanggap din si Sam ng Grammy’s Best New Artist; ang kanyang Stay with Me ay nanalong Record of the Year at Song of the Year; habang ang In the Lonely Hour ay nanalong Best Pop Vocal Album.

Maaari nang makabili ng tickets para sa The Thrill Of It All tour sa lahat ng SM Tickets outlets.

-Manila Bulletin Entertainment