Sa ikalawang taon ng tagumpay ng Pilipinas sa The Hague, muling tiniyak ng Malacañang na patuloy na igigiit ng gobyerno ang mga karapatan nito sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine /South China Sea.

Kahapon, Hulyo 12, ang ikalawang anibersaryo ng pagbaba ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa Pilipina sa arbitration case nito laban sa China sa South China Sea. Nagpasya rin ang arbitral tribunal na walang historic rights ang China sa mga pinagtatalunang karagatan batay sa nine-dash line nito.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing kahapon na hindi isusuko ng pamahalaan ang mga karapatan nito sa West Philippine Sea.

“It is the second anniversary of our win in the arbitration before the Permanent Court of Arbitration and we assure the public that on the second year of the anniversary, we will continue to assert what is ours while we move on with our bilateral relations with China,” aniya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Paulit-ulit na tiniyak ni Pangulong Duterte sa publiko na sa kabila na kanyang polisiya na pagandahin ang relasyon sa China, babanggitin niya ang desisyon kay Chinese President Xi Jinping sa panahon ng kanyang termino term. Sinabi rin niya na naghain ang Pilipinas ng ilang protesta laban sa China dahil sa aksiyon nito sa pinagtatalunang karagatan.

Dismayado si dating Solicitor General Florin Hilbay na ayaw gamitin ng administrasyong Duterte ang desisyon ng PCA para matiyak ang pag-aari ng bansa sa WPS laban sa China.

“We haven’t really benefitted from it. That is why today is both a happy and sad day,” ani Hilbay sa panayam kahapon ng CNN Philippines.

Masayang ginunita ni Hilbay ang pagbaba ng desisyon ng PCA noong Hunyo 12, 2016, na “that momentous day that we won our rights over the West Philippine Sea.”

“We were very sad disappointed and frustrated precisely because of the position of the government which not simply defeatist but actually in many instances pro-China,” aniya.

Tinawag ni Hilbay na “false claim” ang mga pahayag ni Duterte na magkakagiyera kapag iginiit ng Pilipinas ang

Teritoryo nito sa WPS.

“Note also even China doesn’t have an interest in destabilizing the South China Sea. That’s $5 trillion worth of trade and any war in that area would affect China first and foremost,” paliwanag niya.

Naniniwala si Hilbay na ang paggigiit ni Duterte ng takot sa mamamayan ay paraan nito “to justify the pro-China policy of his government.”

Ayon kay Hilbay, mayroong mga grupo na nagbabalak na maghain ng kaso sa Supreme Court para obligahin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ilahad sa publiko ang diplomatic actions na isinagawa ng gobyerno laban sa militarisasyon ng China.

Sinabi ni Roque na malaya ang publiko na maghain ng kaso sa korte at nakahanda ang gobyerno na sagutin ito.

Hinamon ni Senator Risa Hontiveros si DFA Secretary Alan Peter Cayetano na ilahad ang mga hakbang ng gobyerno laban sa mga panghimasok ng China sa WPS.

Para kay Sen. Leila de Lima, malaking bagay sana ang pagkapanalo ng bansa pero binalewala lamang ito ng administrasyong Duterte.

“Ironically, the ruling has paved the way for the enforcement of the international law of the seas in the South China Sea by countries other than the Philippines,” ani De Lima

-Argyll Cyrus B. Geducos, Jeffrey G. Damicog at Leonel M. Abasola