MAGANDA ang napagdesisyunan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na unahin ang pagbili ng bahay bago sila magpakasal.

tom and carla

Sabay, pero magkahiwalay na naghahanap ng bahay ang dalawa para mas mabilis silang makahanap.

Wise decision ang ginawa nina Tom at Carla. Mas maganda nga naman na ‘pag ikinasal sila, may bahay agad silang uuwian. Kaysa naman magpapakasal muna sila, saka maghahanap ng bahay, at habang wala pang bahay ay makikitira sa kani-kanyang pamilya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Advantage na parehong tuluy-tuloy ang dating ng projects kina Tom at Carla. Sa pagtatapos ng The Cure nina Tom at Jennylyn Mercado, ginawa niya ang pelikulang Maledicto, at kasama rin siya sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry ng Quantum Films at MJM Productions na Girl in the Orange Dress.

Si Carla naman, may sisimulang teleserye sa GMA-7. Tama kaya kami na sa Cain at Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo siya isasama?

-NITZ MIRALLES