Sa muling pagkumpleto ng administrasyon ni Pangulong Duterte ng 365 araw sa kanyang anim na taong termino, determinado pa rin ang Punong Ehekutibo na tuparin ang kanyang mga pangako sa nakalipas na dalawang taon.

Ngunit sa kanyang pagsisikap na tuparin ang ipinangakong pagbabago, naging bukas ang Pangulo sa mga bagay na nakakadismaya sa kanya sa pagtupad sa pangakong maginhawang buhay para sa lahat.

TULDUKAN ANG ILEGAL NA DROGA

Isa sa mga lumutang na usapin noong kampanya ng Pangulo ay ang tuldukan ang ilegal na droga.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ipinangako ni Duterte na wawakasan ang ilegal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Gayunman, inamin ni Duterte na nagkamali siya sa pagtukoy sa tindi ng droga at nalaman lamang ito nang maupo sa puwesto.

KURAPSIYON

Pinanindigan din ni Duterte ang kanyang pangako na susubukang tuldukan ang kurapsiyon sa pamahalaan. Ngayon taon, pinagsisibak ng Pangulo ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian.

“If you’d notice, karamihan kong nawala sa akin are really the very first person who [got booted]. I’m very sad that they are the very first to go,” ani Duterte.

Ipinag-utos ni Duterte sa mga opisyal na iwasan ang paglabas ng bansa.

Ang huling mga opisyal na pinatalsik ng Pangulo dahil sa labis na paglabas ng bansa ay sina Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Celestina Ma. Jude de la Serna; at Customs (BOC) Deputy Commissioner Noel Prudente.

Pinakawalan din ni Duterte ang dalawa niyang Cabinet officials. Nagbitiw si Vitaliano Aguirre II bilang Justice secretary kasunod ng kritisismo dahil sa desisyon ng kanyang ahensiya na i-dismiss ang kaso laban sa high-profile drug suspects.

Nagbitiw din si Wanda Teo bilang Tourism secretary dahil sa advertisement deal sa pagitan ng Department of Tourism (DoT) at ng show ng kanyang mga kapatid na isinahimpapawid sa PTV-4.

PEACE AND ORDER

Upang labanan ang krimen, ipinag-utos ni Duterte sa PNP na pauwiin ang mga tambay. Gayunman, umani ng kritisismo ang kanyang anti-tambay campaign lalo na nang mamatay ang isang inmate sa Quezon City, na inaresto dahil sa pagtambay.

Ayon sa Pangulo, hindi niya inutos na arestuhin ang mga tambay kundi pauwiin lamang ang mga ito.

EKONOMIYA

Isa sa mga ipinahayag ni Duterte kamakailan ang kanyang pagkadismaya sa economic inactivity sa mga probinsiya.

Sinabi ng Pangulo na plano niyang hayaan ang jueteng sa ngayon upang maipagpatuloy ang economic activity sa mga probinsiya.

SIMBAHAN

Nang mahalal si Duterte, umasa siyang magkakaroon ng magandang relasyon sa Simbahan, ayon sa Malacañang.

Gayunman, kamakailan ay nagkalabuan ang Pangulo at ang Simbahan nang sabihan ni Duterte ng “stupid” ang Diyos. Matapos nito, bumuo ang Pangulo ng four-man committee para magsagawa ng pakikipagdayalogo sa Simbahan.

SOUTH CHINA SEA

Naninindigan ang Pangulo na hindi siya makikipaglaban sa China hinggil sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea dahil tiyak umanong matatalo lamang ang Pilipinas.

Sinabi niya na nakikinabang ang Pilipinas sa mas pinagandang ugnayan sa China.

BORACAY

Isa sa mga ikinadismaya ni Duterte ngayong taon ay ang Boracay. Inaprubahan niya ang anim na buwang pagsasara sa isla upang isailalim sa rehabilitasyon matapos niyang sabihing ito ay naging “cesspool”.

USAPANG PANGKAPAYAPAAN

Matapos kanselahin ang usapang pagkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) noong nakaraang taon, sinabi ni Duterte noong Abril na muli niyang bibigyan ng pagkakataong buhayin ang peacetalks.

Ngunit kamakailan, sinabi ni Sison na hindi na magkakaroon ng pag-uusap at sa halip ay tutulong silang masira ang gobyerno.

KUWAIT

Binira rin ni Duterte ang Kuwait nitong Pebrero matapos malaman ang pagkamatay ng isang domestic worker, si Joanna Demafelis, na natagpuang bangkay sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment isang taon matapos siyang iulat na nawawala.

Ipinag-utos ng Pangulo ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait at sinabing ipapawalang bisa ang ban sa oras na lagdaan ng Kuwait ang dokumento na naglalayong protektahan ang mga OFW mula sa mga abusadong employers.

Nitong nakaraang buwan, nilagdaan ng Pilipinas at ng Kuwait ang isang Memorandum of Agreement at nagkasundo sa kondisyon ni Duterte.

PEDERALISMO

Isinusulong ng Pangulo ang pederalismo dahil ito umano ang sagot sa matagal nang hidwaan sa Mindanao. Sinabi rin niya na mapapakinabangan ito ng mga probinsiya.

-Argyll Cyrus B. Geducos