Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon ng Philippine Nationa l Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Sa report na tinanggap ni Director Roel Obusan, hepe ng PNP-CIDG, mula sa tanggapan ng CIDG-National Capital Region, nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng CIDG-Manila Sector, sa pamumuno ni Chief Insp. Nino Briones, sa naganap na holdapan sa Tondo.

Ay o n k a y B r i o n e s , nakatanggap sila ng report hinggil sa panghoholdap kay Vanessa Joy Cruz, 33, ng Katamanan Street, Tondo.

Ayon kay Cruz, tinangay ng mga suspek, na sakay sa motorsiklo, ang kanyang bag sa Maralapa St., Barangay 128, Smokey Mountain, sa Tondo.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Agad nagsagawa ng follow-up operation at nasilayan ang mga suspek sa H. Lopez Road patungong Navotas.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga suspek at ng awtoridad hanggang sa nagkapalitan ng bala at tuluyang bumulagta ang mga suspek.

Nabawi ang bag ng biktima.

-Fer Taboy