Nalagay s a balag na alanganin ang dalawang lalaki nang arestuhin sa aktong nag-iinuman sa pampublikong at nakumpiskahan ng umanoy’marijuana sa isang parke sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Iniimbestigahan at nakakulong sa Makati City Police ang mga suspek na sina Lenon Ardeña, 26, ng 2940 Apelo Cruz Street, Pasay City; at Louie Gabriel, 23, ng Manatal, Pandi, Bulacan.

Inaresto ang mga suspek sa Mayapis Park na matatagpuan sa panulukan ng Mayapis at Malugay Sts., sa Barangay San Antonio, Makati City, dakong 11:20 ng gabi.

Bago ang pag-arest o , nagpasaklolo sa awtoridad ang mga barangay tanod hinggil sa nagaganap na inuman ng dalawang lalaki sa loob ng parke.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Agad rumesponde ang mga pulis at nadatnan ang mga suspek nag-iinuman at agad inaresto.

Nang kapkapan ang mga suspek, nasamsam kay Ardeña ang isang pakete ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

-Bella Gamotea