Natimbog na ng Pateros Police Station ang isang lalaki na No. 5 most wanted sa naturang munisipalidad, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang inaresto na si Aldean Martinez, nasa hustong gulang, ng Block 4 Lot 15, Villa Lourdes Subdivision, sa Barangay Alasas, San Fernando, Pampanga.

Inaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Intelligence Unit at Warrant and Subpoena Section ng Pateros Police, dakong 8:00 ng gabi.

Ayon sa awtoridad, isinilibi lamang nila ang warrant of arrest, na ipinalabas ni Pateros Regional Trial Court (RTC) Branch 262 Judge Joy Casihan-Dumlao, para sa kasong homicide.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Bella Gamotea