Sa selda ang bagsak ng apat na lalaki matapos umanong mahuli sa aktong bumabatak sa Las Piñas City, nitong Huwebes ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas ang mga suspek na sina Ronald Cabarles, 51; Joel Tolentino, 48; Lawrence Pacleb, 42; at Florante Arcanghel, 30, pawang taga-Real Street, Pendong Compound, Pulang Lupa Uno ng nasabing lungsod.

Una rito, nakatanggap ng sumbong ang pulisya hinggil sa pagpa-pot-session ng apat na lalaki sa lugar, dakong 11:30 ng gabi.

Dahil na rin sa pagkabigla, hindi na nakapalag ang mga suspek na naabutang humihithit ng ipinagbabawal na gamot.

Probinsya

Bromance yarn? Dalawang lalaking nagkainitan at nagsapakan, nauwi sa yakapan

Nakumpiska sa mga suspek ng isang pakete ng umano’y shabu at drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Sections 13, 14 at 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang isasampa laban sa mga suspek.

-Bella Gamotea