DILI, East Timor (AFP) – Inaasahan ang panunumpa kahapon ng dating guerilla fighter na si Taur Matan Ruak bilang bagong prime minister ng East Timor, kasunod ng krisis sa politika na pumaralisa sa maliit na bansa sa Southeast Asia.
Isinilang na Jose Maria Vasconcelos ngunit mas kilala sa kanyang alyas na Taur Matan Ruak -- na ang ibig sabihin ay ‘’two sharp eyes’’ -- si Ruak ay kumander ng East Timorese resistance bago naging hepe ng army. Nagsilbi rin siyang ceremonial president mula 2012 hanggang 2017.