TORONTO (Reuters) – Magiging legal na ang pagbebenta ng marijuana sa Canada simula sa Oktubre 17, sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau nitong Miyerkules, ang unang malaking bansa na isinabatas ang recreational use nito.

Umarangkada ang stocks ng marijuana producers nitong matapos aprubahan ng Senate nitong Martes ang adult use ng cannabis. Inaasahang lalagdaan ng governor general ang bill sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), bilang huling hakbang para ito ay maging isang lubos na batas.

Sa ulat na inilabas ng Conference Board of Canada nitong Martes, ipinakita na mahigit kalahati ng Canadian employers ang nababahala sa posibleng paggamit ng marijuana sa trabaho.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'