ANG beteranong manlalaro na si Edwin Cortez ang nanguna sa paboritong kalahok sa pagtulak ng First AB Montessori 2050 and below Non Master and Kiddies Chess Tournament sa Hulyo 22 sa St. Bernard Subdivision, Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac.
Makakalaban ni Cortez sa titulo para sa Non Master 2050 and below category sina Alex Gutierrez,Benny Palarca, Joey Laporga, Lowell Palarca, Jeffrey Pascual at Patcheco Yngayo Jr.
Sina Barangay Kagawad Alvin Abril at Tournament Director Alfred Miranda ang magsasagawa ng traditional ceremonial moves bilang hudyat ng pagbubukas ng nasabing chessfest.
Sa Kiddies under 12 category masisilayan naman sina River Quinto, Alfred Miranda Jr., , Alanice Miranda, Maricar Sabado, Angel Pereras, Cristian Costuna at Erich Ross Micua sa event na inorganisa ni Tournament Director Alfred Miranda na sinuportahan ni Barangay Kagawad Alvin Abril kung saan magsisilbing punong abala ang AB Montessori School For Excellence.