MULING bibigyang parangal ng UAAP-NCAA Press Corps ang mga outstanding collegiate basketball players ng nakalipas na season sa idaraos na 2018 Chooks-to-Go Collegiate Basketball Awards sa Hunyo 21.

Magaganap ang taunang Awards Night para sa mga napiling best players sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros, Manila.

Pangungunahan ang mga awardees ng mga mula sa championship teams ng San Beda University sa NCAA at ng Ateneo de Manila University sa UAAP.

Nakatakdang mamigay ang collegiate press corps ng mga special awards para sa mga breakout performers ng nakaraang season sa event na itinataguyod ng Chooks-to-Go, ang Nag-iisang Manok ng Bayan, at ng The Bayleaf Intramuros.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang Red Lions, sa pamumuno ni Season 93 Finals MVP Robert Bolick sa ilalim ng paggabay ni coach Boyet Fernandez, ang nagkampeon sa NCAA Season 93, ang kanilang ika-10 titulo sa nakalipas na 12 taon.

Ang Blue Eagles, sa ilalim ni coach Tab Baldwin, ang nagwagi sa UAAP Season 80 matapos dispatsahin ang La Salle sa championship sa pangunguna ni Thirdy Ravena na nahirang na finals Most Valuable Player.

-Marivic Awitan