WELLINGTON (AFP) – Ipinahayag kahapon ng New Zealand ang mga plano nitong magpatupad ng tourist tax at taasan ang iba pang bayarin sa international visitors para pondohan ang infrastructure development sa harap ng paglakas ng turismo.

Tumaas ang bilang ng mga turista sa bansa sa 4.5 milyon mula sa 3.8 milyon sa nakalipas na tatlong taon.

‘’This rapid growth has impacted on the costs and availability of publicly-provided infrastructure,’’ sinabi ni tourism minister Kelvin Davis.

‘’Many regions are struggling to cope and urgently need improved infrastructure, from toilet facilities to carparks.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ipapataw ang buwis na NZ$25-35 (US$17-24) sa international visitors simula sa kalagitnaan ng susunod na taon. Itataas din ang singil sa immigration fees at visas simula ngayong Nobyembre.