Babanggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinapit ng mga mangingisdang Pilipino sa Panatag Shoal kapag muli silang nagkita ni Chinese President Xi Jinping, sinabi ng Malacañang kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, igigiit ng Pangulo ang paninindigan ng gobyerno laban sa anumang pang-aapi mga lokal na mangingisda na naghahanapbuhay sa Panatag sa kanyang Chinese counterpart.

Binanggit ni Roque na nanawagan na ang Panbgulo ng imbestigasyon sa diumano’y pangunguna ng Chinese coast guards sa mga nahuling isda ng mga mangingisdang Pinoy sa pagkikita nila kamakailan ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

“Hindi po namin kinukunsinti ang pangongotong ng isda sa ating mga kababayan, at ‘yan po’y pinarating na ng Presidente mismo natin sa kaalaman ng Ambassador. Hindi na po umasa ang Presidente sa diplomatic channels, at siya na po mismo ang nakipag-usap sa Ambahador

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“At kung may pagkakataon siguro eh, didiretso na ni Presidente ‘yan kay President Xi dahil talaga namang hindi pupuwedeng inaapi ang ating mga kababayan,” dugtong niya.

Ayon kay Roque ayaw ng Palasyo na maulit pa ang insidente sa Panatag na kinukuha ng mga Chinese ang magagandang isdang nahuli ng mga Pinoy. Iginiit niya na may karapatan ang mga Pilipino na mangisda sa Panatag Shoal dahil ito ay kinikilalang “traditional fishing ground.”

‘WAG MUNA MAGPROTESTA

Samantala, kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatikong protesta laban sa China dahil sa pangingikil ng coast guards nito sa mga isdang nahuli ng mga Pilipino sa Panatag Shoal.

Ayon kay Lacson, dapat hintayin ni Drilon ang imbestigasyon ng China hinggil sa pangyayari, at dapat mabatid na may mga ginagawa rin ang ating pamahalaan.

Iginiit naman ng ilang senador na anumang usapan ng bansa at ng China ay dapat na maisapubliko at mabatid ng mamamayang Pilipino.

Ayon kay Sen. Francis Escudero mahalaga na maging bukas ang DFA at ang Palasyo sa anumang kasundunan sa China, kung meron man. Mas mainam na mabatid ito ng publiko para alam natin kung saan tayo lulugar.

Ito rin ang panawagan ni Sen. Risa Hontiveros, iginiit na dapat malaman ng publiko ang anumang usapan sa gitna ng mga panghihiimasok ng China sa ating mga teritoryo.

DANYOS

Hinimok naman ni acting Chief Justice Antonio Caprio ang Pilipinas na humingi ng danyos sa China dahil sa pagsira nito sa mga bahura sa Panatag Shoal.

Ayon kay Carpio, nilabag ng China ang obligasyon nito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na protektahan at pangalagaan ang karagatan.

-GENALYN D. KABILING, LEONEL M. ABASOLA at BETH CAMIA