May hanggang ngayong Miyerkules, Hunyo 13, na lang ang mga kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections upang maghain ng kani-kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, hindi na nito palalawigin pa ang naturang deadline kaya naman pinapaalalahanang muli ang mga kumandidato noong nakaraang buwan, nanalo man o natalo, na dapat silang magsumite ng SOCE.

Inihayag ng Comelec na maaaring isumite ng mga kandidato ang kanilang SOCE, kahit sa pamamagitan ng authorized representative, gamit ang prescribed forms na mada-download sa www.comelec.gov.ph.

Nilinaw naman ng Comelec na kahit awtorisadong kinatawan lang ang maghahain ng SOCE ay dapat itong suportado ng mga kaukulang dokumento, at personal na nilagdaan ng kandidato.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang kabiguang maghain ng SOCE ay katumbas ng diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

-Mary Ann Santiago