BASE sa report ni MJ Felipe sa ABS-CBN, hindi pa rin sinipot ni Ellen Adarna ang second preliminary investigation hearing sa child abuse at cyber crime cases na isinampa laban sa kanya ng 17-year-old na si Eleila Santos.

John Lloyd

Sa halip, si John Lloyd Cruz ang dumalo sa hearing para sa girlfriend.

Ginawa uli sa Pasig City Office of the Prosecutor ang hearing, at dumating si John Lloyd kasama ang legal counsel ni Ellen. Dumalo rin ang mga magulang ni Eleila sa hearing.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Tweet ni MJ: “The preliminary investigation hearing today last for less than thirty minutes and has been rescheduled again, two weeks from now June 25 as requested by respondent’s camp.”

Naalala naming nasulat na this June manganganak si Ellen. Hindi pa marahil siya talaga makakadalo sa hearing hanggang hindi pa siya nakakapagsilang ng baby nila ni Lloydie.

-Nitz Miralles