Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang batang babae na nagpatanda ng mukha para makaalis at makapagtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga suspek, na pawang menor de edad, ay nagtangkang bumiyahe papuntang Riyadh, Saudi Arabia.

“This is a clear case of human trafficking involving a syndicate that sends young girls to work abroad by letting them assume the identities of older women through falsification and tampering of travel documents,” ayon kay Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas.

Nabatid na ang mga suspek ay may hawak na valid overseas employment certificates (OECs) at mga kontrata at working visas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“They were evasive and gave inconsistent answers when asked about their age and date of birth during secondary inspection,” ayon pa kay Mariñas.

Hindi pinangalanan ang mga suspek para sa kanilang proteksiyon at dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng batas laban sa human trafficking

-MINA NAVARRO