BAGHDAD (AFP) – Nasunog ang pinakamalaking ballot warehouse ng Iraq nitong Linggo bago ang vote recount na nagbunsod ng mga alegasyon ng fraud sa panahon ng legislative elections.

Sinabi ng senior security official sa AFP na sumiklab ang sunog sa warehouse sa Al-Russafa, isa sa pinakamalaking voting districts sa silangan ng Baghdad. Naapula ng mga bumbero ang sunog makalipas ang ilang oras, ngunit hindi pa malinaw kung gaano karaming balota ang nasira.

Tinatayang 60 porsiyento ng dalawang milyong botante ng Baghdad ang bumoto sa Al-Russafa district sa halalan nitong Mayo.

Nanalo sa botohan ang electoral alliance ng populist Shiite cleric na si Moqtada Sadr, ngunit ang resulta ay kinukuwestyon ng mga beteranong politiko sa pamumuno ni parliamentary speaker Salim al-Juburi.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture