WASHINGTON (AFP) – Sinisi ng United States ang Canada sa disastrous ending ng G7 summit, sinabi na si Prime Minister Justin Trudeau ‘’stabbed us in the back,’’ habang sinisi ng mga kaalyado ng Amerika ang Washington.

Ilang minuto matapos inilathala ang joint G7 communique nitong Sabado sa summit host city ng Quebec, binanatan ni President Donald Trump si Trudeau sa Twitter at inutusan ang US representatives na huwag iendorso ang joint communique.

Itinuloy ng kampo ni Trump ang mga batikos sa US media nitong Linggo.

Si Trudeau ‘’really kinda stabbed us in the back,’’ diin ni US economic advisor Larry Kudlow sa ‘’State of the Union’’ ng CNN. ‘’He did a great disservice to the whole G7.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinuportahan ni US trade advisor Peter Navarro ang mensahe sa pagsasalita nita sa Fox News. ‘’There’s a special place in hell for any foreign leader that engages in bad-faith diplomacy with President Donald J. Trump and then tries to stab him in the back on the way out the door,’’ aniya.

Tinawag ni German Chancellor Angela Merkel, nitong Linggo ng gabi, ang pagbawi ni Trump sa kanyang suporta sa G7 joint communique na ‘’sobering and a little depressing’’, at idinagdag sa one-on-one interview sa ARD public television na, ‘’but that’s not the end’’ ng Group of Seven.