April 16, 2026

Home BALITA Metro

Tenant sa isang residential building, namaril ng mga kapitbahay; 2 patay, 4 sugatan!

Tenant sa isang residential building, namaril ng mga kapitbahay; 2 patay, 4 sugatan!

Dalawang katao ang nasawi habang apat ang sugatan matapos ang pamamaril sa isang residential building sa Parañaque nitong Miyerkules ng gabi, Marso 4, 2026. 

Ayon sa mga ulat, naganap ang insidente sa isang gusali sa Barangay Marcelo Green. Kinumpirma ni Nicholas Piñon, hepe ng Parañaque City Police, na anim ang kabuuang biktima ng pamamaril.

Sa kuhang video gamit ang cellphone ng isang residente, makikita ang isang lalaking nakapulang t-shirt na nakahandusay sa sahig matapos barilin.

Ayon sa pulisya, agad na dinala sa ospital ang mga sugatan at ligtas na ang kanilang kalagayan.

Isang residenteng kinilalang si “Max,” hindi niya tunay na pangalan, ang nagsabing personal niyang nasaksihan ang insidente at muntik na rin siyang maging biktima ng pamamaril. Ayon sa kaniya, una niyang narinig ang mga putok ng baril sa loob ng court ng gusali bago niya nakita ang armadong lalaki na tumatakbo habang may hawak na baril.

Metro

‘Di para manakot!' Taguig police, dumipensa sa presenya ng 'sniper' sa gitna ng demolisyon

Inilarawan din niya ang suspek na nakasuot ng face mask at baseball cap.

Magdamag namang nagpatrolya at nakaalerto ang mga pulis, kabilang ang Special Weapons and Tactics Team ng lungsod, habang nagpapatuloy ang operasyon upang matunton ang gunman.

Hindi pinahintulutan ang mga mamamahayag na makapasok sa loob ng property kung saan naganap ang pamamaril.

Samantala, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Parañaque City Police laban sa suspek na napag-alamang residente rin ng naturang gusali.

Naglabas din ng pahayag ang Azure Property Management na nagsabing nakikipagtulungan sila sa pulisya sa isinasagawang imbestigasyon at patuloy na inuuna ang kaligtasan at seguridad ng mga residente. 

Dagdag pa ng pamunuan na handa silang magbigay ng suporta sa mga biktima at kanilang mga pamilya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.