TOKYO (Reuters) – Patay ang isang lalaki at dalawang iba pa ang nasugatan sa pag-atake ng isang suspek na armado ng patalim sa Shinkansen bullet train ng Japan nitong Sabado ng gabi.

Inaresto ng pulisya ang suspek na si Ichiro Kojima, 22 anyos, nang huminto ang tren sa Odawara Station, sa timog ng Tokyo. Patungo ang tren sa lungsod ng Osaka sa kanluran.

Ayon sa ulat ng media, sinabi ni Kojima na nagawa niya ang krimen dahil dismayado siya sa kawalan ng trabaho, at hindi niya kilala ang kanyang mga biktima.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline