PAGKATAPOS ng matagal-tagal ding panahon ay masaya si Myrtle Sarrosa na muling makaharap ang press people, matapos siyang mag-renew ng kontrata bilang celebrity endorser ng isang sanitary pad.

myrtle

Pangatlong taon na ngayon na ineendorso ng 23- anyos na aktres ang Sisters sanitary napkin.

“ Right after graduation, I felt I’m so blessed. I have this renewal of my contract, I’m doing a film, and another with Regal Films,” sinabi ni Myrtle sa presscon para sa kanyang endorsement.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bukod sa maganda at sexy, aminado si Ms. Aileen Go, Megasoft VP for Sales and Marketing, na una nilang hinangaan ang pagbibigay importansiya ni Myrtle sa edukasyon. Kamakailan lang ay nag-graduate ang aktres sa University of the Philippines bilang cum laude.

Wala namang problema kay Ms. Go ang pagpapaseksi lately ni Myrtle, lalo na at magsusuot ito ng two-piece sa pagbibidahan nitong fantasy film na Wander Bra.

“Para sa akin (ang pagpapa-sexy) is part of being a woman and being proud of who you are,” sabi ni Myrtle, idinagdag na confident siya sa kanyang katawan.

Sa nasabing contract signing at presscon ay hindi naiwasang itanong kay Myrtle ang tungkol sa kanyang love life. Prangkahan naman niyang sinasabi na mayroon siya ngayong idine-date, isang non-showbiz guy na apat na buwan nang nanliligaw sa kanya.

Taong 2015 nang makahiwalay ni Myrtle ang huling boyfriend niyang si Bryan Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe-Llamanzares.

Maingat na raw si Myrtle ngayon, na-trauma ba siya sa pakikipagrelasyon kay Bryan?

“Hindi naman sa na-trauma, but I think (it’s) better if you’re with the person na ‘yung hindi kilala. Or it’s better if you’re with someone na hindi ganun kakilala, na loud or high-profile,” paliwanag ni Myrtle.

Ayaw naman magbigay ng clue ni Myrtle sa katauhan ng kanyang manliligaw, dahil very private person daw ito.

Sa ngayon, abala si Myrtle sa pelikula niyang Wander Bra, na superhero ang role niya.

“’Yung kuwento ng Wander Bra po, kuwento siya ni Barbara na tuwing isinusuot niya ‘yung isang pink bra nagiging super hero siya. Nagiging ako siya, so parang ang dating si Captain Barbel, parang ganun,” kuwento ni Myrtle.

-ADOR V. SALUTA