Philippines' Stanley Pringle goes for a layup against Brazil's Carlos Silva during the FIBA 3x3 World Cup Philippines at Philippine Arena in Bocaue, Bulacan, June 9, 2018 (Rio Leonelle Deluvio)
Stanley Pringle (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
BOCAUE — Ginulat ng Gilas Philippine Team ang Brazil, 15-7, nitong Sabado sa opening match sa men’s division ng 2018 Fiba 3x3 World Cup sa Philippine Arena.

Pinangunahan ni Stanley Pringle ang ratsada ng Gilas sa impresibong one-on-way play para maitala ang upset win sa Pool C ng torneo. Ang Brazilian at seeded No.6 habang ang Pinoy ay No.19.

Kumabig sina Pringle, Troy Rosario at Roger Pogoy ng tig-apat na puntos, habang nag-ambag si Fil-German Christian Standhardinger ng tatlong puntos.

Sunod na makakaharp ng Pinoy ang Mongolia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa Brazil si Marcellus Sarmento na may apat na puntos.

Iskor:

PHILIPPINES (15) — Pogoy 4, Pringle 4, Rosario 4, Standhardinger 3.

BRAZIL (7) — Sarmento 4, Soriani 2, Evangelista 1, Silva 0.