Tatlong katao, kabilang ang dalawang babae, ang dinampot nang maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Nakapiit sa Pasay City police headquarters ang mga suspek na sina Ramon Robillos; Ritchel Telen; at Joan Prias, pawang nasa hustong gulang at taga-Barangay 75 ng nasabing lungsod.

Ayon sa Southern Police District (SPD), dinakma ang mga suspek ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-Libertad sa No. 108 Ignacio Street, Bgy. 75, dakong 11:00 ng gabi.

Nakatanggap ng sumbong ang awtoridad mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap umanong pot session sa lugar at ikinasa ang operasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabulaga at hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan ng mga pulis habang bumabatak umano ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang hindi pa mabatid na dami ng droga at drug paraphernalia.

Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Bella Gamotea