Sisibakin ng Philippine National Police (PNP) sa serbisyo ang 150 nitong tauhan matapos silang magpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Chief Supt. Guillermo Eleazar, isinasailalim na sa summary dismissal proceedings ang mga nabanggit na pulis na pawang nakatalaga sa limang police district sa Metro Manila.

Aniya, ito lamang ang nakikitang solusyon upang mawala sa kanilang hanay ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Ang nasabing bilang, aniya, ay kabilang sa tinatayang 300 alagad ng batas na dati nang idinadawit sa droga.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ayon pa kay Eleazar, karamihan sa mga nagpositibo sa drugs ay mga bagito sa serbisyo.

-Fer Taboy